14

By

600 pang opisyal ng barangay, kakasuhan dahil sa BADAC

Sharing is caring!

Posibleng maharap sa kasong administratibo ang karagdagang 600 pang mga opisyal ng barangay dahil sa kabiguan na bumuo ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC.

Paliwanag ni Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino, hiwalay pa ang naturang bilang sa mahigit 200 opisyal na nasa narco list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Una na aniyang nagsampa ng kaso ang DILG laban sa 15 na opisyal ng barangay dahil sa kabiguan na bumuo ng BADAC.

Hihilingin din umano niya sa law enforcement agencies na imbestigahan ang lahat ng opisyal sa mga barangay kung saan talamak ang kalakaran ng ipinagbabawal na gamot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?