74

Jan 25, 2018 @ 11:37
By

600.8 grams shabu nasabat sa driver sa San Carlos City

Arestado ang isang habal habal driver sa isang buy bust operation na nagresulta sa pagkumpiska ng 600.8 gramo ng shabu kamakalawa ng gabi sa San Carlos City, Negros Occidental.

Sa nasabing operasyon, nagkaroon ng habulan na nagresulta sa pagkasugat ng tatlong pulis matapos lumundag sa isang bangin na may mga matutulis na putul putol na kahoy.

Gayunman, naaresto din ang suspek na si Christian Unabia, 29, ng Sitio Juan-ong, Barangay Palampas, San Carlos City.

Nakuha mula sa suspek ang 600.8 gramo ng shabu, gayundin ang P30,000 buy bust money, mahigit P24,000 kita sa pagbebenta ng shabu, at mga drug paraphernalias.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?