51

Nov 9, 2017 @ 18:00
By

60 undocumented Chinese, inaresto sa Makati

Dahil sa pagtatrabaho sa bansa nang walang kaukulang papeles, inaresto ang 60 Chinese sa isang condominium building sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Nabatid na alas-8:10 ng gabi nang salakayin ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang Burgundy Tower sa Gil Puyat Avenue.

Bitbit ang warrant of deportation, hinanap at hinuli ang mga Chinese na nagtatrabaho sa naturang gusali na pawang walang maipakitang working permits mula sa kawanihan.

Matapos makuha ang kanilang mga pangalan, agad nang dinala sa BID Main Office sa Intramuros, Maynila ang mga banyaga kasama ang mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?