46

By

60 pamiya nasunugan sa QC, bumbero nalapnos

Tinatayang aabot sa 60 pamilya ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog sa Barangay Balingasa, Quezon City, nitong Sadabo ng umaga.

Base sa inisyal na report ng QC Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-8:30 ng umaga (July 13) nang sumiklab ang sunog mula sa isang kuwarto ng 2-story apartment na inuupahan ng pamilyang Eguia sa No. 986 A. Bonifacio, Brgy. Balingassa.

Dahil karamihan sa bahay ay gawa sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy at 25 tahanan ang naabo sa sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Agad namang sinugod sa ospital ang fire volunter na nagtamo ng 2nd degree burn na si Jeremiah Villar, 31, ng Caloocan City.

Nabatid kay FCI Sherwin Pinafiel ng fire inspection, “faulty electrical wiring” sa kisame ng kuwarto ang sanhi ng sunog dahil doon namataang may biglang umusok na sinundan ng pagliyab ng apoy.

Makalipas ang isang oras ay naapula ang apoy at tinatayang P100,000 halaga ng mga ari-arian ang naabo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?