9

Nov 9, 2020 @ 15:12
By

60% ng Fil-Am bumoto kay Biden – PH envoy

Tinatayang 60 porsiyento o nasa dalawang milyong Filipino-American na kuwalipikadong bumoto sa Amerika ang bumoto kay Joe Biden, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.

Ani Romualdez, karamihan ng bumoto kay Biden ay naninirahan sa California.

“The estimate will be a little over 55 or 60 precent [who] probably voted for Biden, mostly living in California, where it’s one of the biggest Filipino community there and it’s known to be a Democrat bailiwick,” lahad ni Romualdez sa panayam sa ANC nitong Lunes.

“But here in the Northeastern and the South there are a number who voted [incumbent President Donald] Trump,” dagdag niya.

Samantala, nagpasalamat ang embahada kay Biden at sa running mate niyang si Vice President-elect Kamala Harris sa pagpapahayag ng simpatiya sa Pilipinas matapos salantain ng bagyong Rolly.

“He and Kamala Harris expressed their sympathy to the Philippines with the recent typhoon so we sent a message and they sent back a message thanking us,” wika ni Romualdez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?