25
Abante-VisMin-Radar-narco-list
By

60 nanalong barangay execs, nasa ‘drug list’ ng PDEA

Sharing is caring!

Ipinahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na 60 nanalong opisyal sa barangay ay kabilang sa 207 village executives na nasa ‘drug list’ ng pamahalaan.

Ayon kay Aquino, 36 barangay chairmen at 24 councilors, na sinasabing sangkot sa illegal drugs ang nakatakdang kasuhan ng PDEA upang hindi makapuwesto pa ang mga ito.

Aniya, hindi kasama sa naturang bilang ang Bicol at Caraga Region.

“Drug money was used to buy votes in some areas,” giit ng opisyal ng PDEA sa panayam sa kanya sa radyo.

Gayunman, aniya naging matagumpay naman sa kanyang palagay ang paglalantad nila ng listahan laban sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) na sangkot sa droga dahil kung hindi umano nila ginawa iyon ay posibleng mas marami ang muling nakabalik sa kanilang puwesto.

“I think the release of the list was successful because had it not been made public, perhaps all of the officials tagged there would have won,” paliwanag ni Aquino.

Kasabay nito tiniyak ng PDEA chief na hindi lamang ang mga nanalong kandidato ang hahabulin nila para kasuhan, kundi maging ang mga natalong kandidato sa pagka-barangay chairman at kagawad na una nang natukoy at pinangalanan na nasa narco list.

Sinabi naman ni PDEA spokesman Derrick Carreon, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng case build up sa mga barangay official na sangkot sa bawal na gamot.

Nabatid na nitong Biyernes ay nagsimula na rin silang mag-file ng kaso sa Ombudsman laban sa mga nabanggit na opisyal ng barangay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?