35

Jan 5, 2022 @ 14:36
By

60 kawani ng MMDA nadale ng COVID

Tinamaan ng COVID-19 ang 60 kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ayon kay general manager Romando Artes.

Sa isang forum ngayong Miyerkoles, sinabi ni Artes na 100 empleyado ng MMDA ang isinailalim sa COVID testing kung saan nadiskubre na 60 ang positibo.

“Right now po, mayroon po tayong infections… in fact kahapon po nagpa-swab tayo ng may mga symptoms, out of 100, it was reported this morning, ‘yung na-swab kahapon, ay nasa 60 plus po ‘yung positive,” wika ni Artes.

Bakunado na umano ang karamihan sa mga kawani ng MMDA, kaya’t karamihan sa mga bagong kaso ay mild at asymptomatic.

Nasa 680 empleyado na rin umano ng MMDA ang naturukan na ng booster shot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?