By

60 kawani ng CNN Philippines, sinibak

Sharing is caring!

Pinuna ng isang media watchdog ang napaulat na pagsibak sa 60 empleado ng CNN Philippines.

Sa blog ng Buhay Media, ang dahilan ng malawakang sibakan ay ‘rightsizing.’

Base sa nakuhang impormasyon ng grupo, ang mga nawalan ng trabaho ay mula sa News and Current Affairs ng CNN Philippines.

Kabilang dito ang mga news producers, graphic artists, video editors at cameramen.

Sinibak din ang mga personnel mula sa engineering, technical Operations, creatives at IT.

Noong Setyembre 2015, daang kawani ng CNN na rin ang sinibak dahil sa tinatawag nilang ‘right sizing.’

“We stand with our colleagues at CNN Philippines as they join countless of other media workers who have been deprived of job security despite their years of service,” ang mababasa na inilabas na pahayag ng grupo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?