375

Jul 3, 2019 @ 13:34
By

60 katao na-food poison sa birthday party ni Imelda Marcos

Dinala sa ospital ang nasa 60 katao matapos dumalo sa ika-90 kaarawan ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Ayon sa report sa GMA News TV, posibleng dahil sa kinain kaya sumama ang pakiramdam ng mga taong dumalo sa nasabing birthday celebration.

Present sa nasabing selebrasyon si Senator-elect Imee Marcos, at sinabing tututukan ang mga nagkasakit.

“Asikasuhin na lang natin yung mga nasa ospital, at asahan po ninyo na bibisitahin natin ang bawat isa,” saad ng mambabatas.

Ginanap ang birthday party sa Ynares Sports Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?