41

60 bahay natupok ng apoy sa Taguig

Sharing is caring!

Tinatayang 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos itong tupukin ng apoy noong Miyerkules.

Sa report ng Unang Balita ng GMA7, nagsimula ang sunog sa isang komunidad sa Zone 7, Mini-Park, Bonifacio Global City alas-5 ng hapon.

Sabi ni Grace Ojeda, isa sa mga biktima, nasilip niya bintano ang makapal na usok at bigla na lang itong nagliyab.

Agad niyang inakay ang kanyag mga anak palabas ng bahay para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Sabi ng The Bureau of Fire Protection, mahigit sa 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog ng tumupok sa 60 kabahayan.

Mahigit 20 firetrucks ang nagtulong-tulong para maapula ang apoy. Idineklarang fire out ang insidente pagkatapos ng lumang oras.

Ang mga apektadong resident ay nagpalibas ng gabi sa covered court sa lugar.

Wala pa ring kuryente sa lugar hanggang ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?