38

60-anyos na lalaki, kinatay ng kainuman

Sharing is caring!

Chinop-chop ang katawan ng isang 60-anyos na lalaki ng mismong kainuman nito sa Barangay Inzo Arnaldo Village, Roxas City.

Positibong kinilala ng kanyang pamilya ang bangkay ng biktima na si Antonio dela Rosa, na nakita sa isang lugar na nagsisilbing dumping site sa Barangay Banica, Roxas City.

Nakasilid sa dalawang sako ang pinutol na katawan ng biktima

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek na si Antonio Eduardo alyas Tony Balila at nakipag-inuman bago pa ito nawala.

Sinabi ng Roxas City PNP, matapos ang interogasyon ay napaamin ang suspek sa krimen at ipinaturo sa kanya kung saan itinapon ang chop-chop na katawan ni dela Rosa.

Sasampahan na ng kasong murder ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?