6

Jul 30, 2020 @ 16:12
By

60-anyos arestado sa pagkupit ng luncheon meat, tsokolate, pabango

Nadakip ang isang lola matapos mag-shoplifting sa convenience store sa Barangay Bel-Air, Makati.

Nakumpiska sa suspek ang limang de-lata ng luncheon meat, 13 packs ng tsokolate at tatlong bote ng body spray na may kabuuang halaga na P2,577.

Binitbit ang lola sa Substation 6 ng Makati City Police alas-4:20 ng hapon noong Miyerkoles.

Ayon sa kapulisan, nahuli sa CCTV ang ginawang pagsisilid ng suspek ng mga item sa kanyang bag at hindi ito binayaran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?