49

Dec 16, 2017 @ 17:07
By

6 wanted sa iba’t ibang kaso, nalambat sa QC

Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang anim na wanted sa pamamagitan ng arrest warrant na ipinalabas ng korte sa Quezon City.

Kinilala ni P/Supt. Louise Benjie Tremor, hepe ng Cubao Police Station, isa sa mga nadakip na si Reynaldo Oriarte, 41-anyos, na nagtago sa mga awtoridad nang malaman na kabilang siya sa watchlist na nagtutulak ng droga sa nasabing lungsod.

At dakong alas-7:40 ng umaga nitong Disyembre 15, 2017, nang magising ito matapos na posasan dahil sa kasong pagtutulak ng iligal na droga sa Vista Verde Ave., North Caloocan City.

Kabilang din sa mga naaresto si Edwin Morales, 48, ng UP Village. Siya ay naaresto bandang alas-12:15 ng tanghali sa Maginhawa St., Brgy. UP Village, sa kasong physical injuries.

Huli rin sina Cristino Millena, 40, residente ng Project 4, na may kasong reckless imprudence resulting in homicide, at Jose Hombrebueno, 58, naninirahan sa No. 70-B, Mapang-akit St., Brgy. Pinyahan, sa kasong falsification of private documents.

Habang sina Delia Soliven, 60, ng Cubao, QC, ay naaresto dakong alas-4:35 ng hapon sa No. 229, 15th Ave., Brgy. Socorro, Cubao, dahil sa kasong child abuse, at Jennifer Posadas, 34, residente ng Brgy. E. Rodriguez dakong alas-5:15 naman ng hapon sa Roces Ave., cor. Panay Ave., sa kasong qualified theft.

Ang mga nadakip ay nasampahan na ng mga kaukulang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?