6

Sep 7, 2020 @ 11:37

6 undocumented Pinoy kid sa Bahrain inuwi – DFA

Anim na undocumented Filipino children ang inuwi ng pamahalaan mula sa Bahrain noong katapusan ng Agosto 2020.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes, Setyembre 7, isinagawa ito ng Philippine Embassy sa Manama sa pamamagitan ng Oplan Kabataan Program para maiuwi ang mga hindi dokumentadong kabataang Pinoy sa Bahrain upang mabigyan sila ng magandang oportunidad sa bansa.

“On 29 August 2020, six children were successfully repatriated with their parents after the Embassy processed their documents and exit clearances from Bahrain authorities,” ayon sa DFA.

Ang pinakamatanda umano sa mga batang inuwi ng embahada ay limang taong gulang at 11 buwan habang tatlong buwan pa lamang ang pinakabata.

Nabatid na inilunsad ng Philippine Embassy ang Oplan Kabataan noong 2019 kasabay ng 30th anniversary ng United Nations (UN) Convention on the Rights of the Child para bigyang diin ang pagpapahalaga sa karapatan ng mga kabataan sa kanilang pangalan, nationality at access sa quality health care at edukasyon.

Ibinalita pa ng DFA na sa ngayon umano ay umabot na sa 22 kabataan ang isinailalim ng Philippine Embassy sa DNA testing at 10 menor de edad naman ang pinauwi kasama ang pitong magulang sa ilalim ng Oplan Kabataan Program.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?