99

Dec 14, 2019 @ 21:39
By

6 tres ni Lanete, nagpataob sa Ginebra sa Game 1

Hindi nakalaro sa first half, binuhos lahat ni Garvo Lanete ang kanyang 24 points sa ikalawang yugto ng laban para patumbahin ang Ginebra, 124-90, sa PBA Governors Cup semis Game One sa Smart Araneta Coliseum.

Anim na tres ang kinonekta ni Gabo para simulan ang scoring run ng NorthPort.

Lamang ng 16 ang Batang Pier sa third quarter, 57-41, ngunit biglang bumalikwas ang Gins at naibaba sa 63-62 ang iskor.

Ngunit biglang nabuhay ang NorthPort, umabot pa sa 37 ang lamang sa bisa ng nagbabagang kamay ni Lanete.

Top performer din ng Batang Pier ang kanilang import na si Michael Qualls na sumundot ng 38 points at 15 rebounds.

Sa Lunes ay susubukan ng Ginebra na makabawi sa best-of-five series.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?