150

Jan 16, 2021 @ 20:50
By

6 todas sa bumagsak na PAF helicopter sa Bukidnon

Nasa anim ang patay sa nag-crash na helicopter sa Bukidnon nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat, anim na sundalo ang nasawi kabilang ang dalawang piloto ng PH Air Force (PAF).

Maghahatid sana ng supplies sa bayan ng Impasug-ong ang bumagsak na Philippine Air Force UH-1H helicopter matapos manggaling sa lungsod ng Malaybalay.

Nagsimula umanong magsagawa ng rescue operation para sa mga sakay ng bumagsak na helicopter dakong alas-2:30 sa Sitio Bolonay.

Iniwasan umano ng piloto na lumanding sa mga kabahayan bago tuluyang bumagsak ang helicopter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?