663

May 10, 2021 @ 11:23

6 tinodas, suspek nag-suicide: Birthday party dinilig ng dugo

Napuno ng bangkay ang isang birthday party matapos na mamaril ang isang lalaki nitong Linggo ng umaga.

Naganap ang pamamaril sa Denver, Colorado, kung saan tumambad sa mga pulis ang anim na tao na wala nang buhay, habang ang isa naman ay sinubukan pang dalhin sa ospital ngunit namatay din.

Ayon sa pulisya, ginanap ang birthday party sa isang bahay sa Canterbury Mobile Home Park, kung saan hindi pa alam ang motibo ng gunman.

Saad ng awtoridad, boyfriend umano ng isa sa mga biktima ang suspek, at kaagad daw itong nagpaputok ng bala pagpasok sa bahay bago kitilin ang sariling buhay.

Wala namang nasawi o nasaktang bata sa naturang insidente.

“As the chief of police, as a husband, as a father, as a grandfather, as a member of this community, my heart breaks for the families who have lost someone they love and for the children who have lost their parents.” ayon kay Colorado Springs Police chief Vince Niski.

Hindi pa nilalabas ang pagkakakilanlan ng anim na biktima at ang suspek, na inaasahang ianunsyo ng El Paso County coroner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?