15

Oct 7, 2021 @ 19:00
By

6 tennis ball kasya sa bibig ng aso, swak sa world record

Record holder ang isang golden retriever mula sa New York, USA dahil sa pinakamaraming tennis ball na pwedeng pagsabay-sabayin sa loob ng kanyang bibig.

Ayon sa ulat ng The Mirror, kinilala ng Guinness Book of Records ang asong nagngangalang Finley dahil kasya sa kanyang bibig ang anim na tennis ball ng sabay-sabay.

Binura ni Finley ang unang world record na limang bola, na naitala 17 taon na ang nakararaan.

Kaya naman, ilalagay din ang aso sa 2022 edition ng taunang aklat ng Guinness.

Proud naman sa kanya ang kanyang mga amo.

“It’s just so exciting,” wika ng amo niyang si Erin Molloy. “When I look at him, I’m like, ‘I want to squeeze you, I love you so much’.”

Ginawan pa nila ng IG account si Finley kung saan ito ay may 47,000 followers. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?