132

By

6-taon na babae, patay sa magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur

sang anim na taong batang babae ang nasawi matapos gumuho ang kanilang bahay dulot ng magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur nitong Linggo ng hapon, Disyembre 15.

Ayon sa Davao del Sur Public Information Office, pumanaw si Cherbelchen Imgador na nakatira sa Barangay Asinan sa bayan ng Matanao.

Samantala, tatlong katao naman ang napaulat na nasawi sa pagguho ng isang commercial building sa bayan ng Padada na naging sentro ng lindol.

Nagsisimula na ang rescue operation sa gumuhong establisimiyento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?