12

Sep 16, 2020 @ 15:35
By

6 taga-Manila nagnakaw sa Quezon

Timbog ang anim na magnanakaw na taga-Metro Manila na nangupit ng P500,000 cash mula sa isang tindero ng karne sa Quezon province.

Sa ulat ng Candelaria police, nagpanggap na bibili ang isa sa mga suspek na si Jennifer Santos kay meat vendor Allan Flordeliz sa isang public market sa Barangay Pahinga Norte noong Martes ng hapon, Setyembre 15.

Habang inaasikaso ng biktima si Santos, tinangay na ng 4 pang suspek na sina Christian Castro, Jessie Derder, Michael De Jesus, and Joshua Fernandez ang bag ng asawa ng meat vendor, na naglalaman ng tinatayang P500,000 cash.

May concerned citizen daw na agad pinaalam sa pulisya ang insidente, kaya nadakip ang limang suspek–pero wala na sa kanila ang bag kundi nasa tatlo nilang kasabwat na sina Tyrone Reyes, “Mariel”, at “Marriet”.

Ang huling 3 nabanggit ay pinaghahanap pa rin sa ngayon.

Samantala, nakorner din ng pulisya sa Maharlika Highway, Candelaria ang drayber ng get-away vehicle na si Pio Sabusap.

Ayon sa pulis Candelaria, ang lahat ng siyam na suspek ay pawang residente ng Metro Manila. Nakapiit ang 6 dito sa town police jail.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?