379

Jan 27, 2019 @ 11:05
By

6 sugatan sa pag sabog sa Jolo, Sulu Church

Nasaktan ang 6 katao sa naganap na pagsabog na yumanig sa bayan ng Jolo sa lalawigan ng Sulu, Linggo ng umaga.

Ayon kay Western Mindanao Spokesman Lieutenant Colonel Gerry Besana, naganap ang pagsabog sa kasagsagan ng pang-umagang misa sa simbahan.

6 ang naiulat na nasaktan sa naganap na insidente.

Patuloy na nag-iimbestiga ang mga awtoridad sa rason ng pagsabog.

Ang nangyaring insidente ay naganap isang linggo matapos ang pagsasagawa ng plebesito para sa Bangsamoro Organic Law.

Matatandaang karamihan sa mga taga-Sulu ay hindi sang-ayon sa BOL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?