51

By

6 special envoy itinalaga ni Duterte sa China

Sharing is caring!

Anim na special envoy ang ipinuwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa unang buwan ng 2018.

Ang anim na pangalan ay kabilang sa listahan ng mga bagong appointees na ipinalabas ng Malacañang .

Ang mga hinirang ng Pangulo bilang Special Envoy ng Pangulo sa China ay sina Fernando Selim Borja, Wallie Lee, Carlos Chan, Cheng Yong at William de Jesus Lima.

Ang anim na special envoy ay mayroong anim na buwang termino mula January 1, 2018 hanggang June 30, 2018.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi kuwestiyon ang bilang ng mga itinalagang special envoy sa China dahil ang misyon ng mga ito ay para i-promote and mas pinaigting na relasyon sa China.

Kasama rin sa mga bagong appointees sina Miguel M. Ayala bilang special envoy of the President to the Commonwealth of Australia, Jose E.B. Antonio bilang special envoy of the President to the United States of America at Almarim Centi Tillah, bilang special envoy of the President to the Organization of Islamic Cooperation.

Ang iba pang bagong hinirang ng Pangulo ay sina Francisco Roberto A. Ortega VI bilang member,Sangguniang Panlungsod, Baguio City, at Tingagun Ampaso Umpa bilang assistant Secretary ng Department of Public Works and Highways. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?