87

Oct 15, 2019 @ 15:15
By

6 Singaporean huli sa pagdadala ng prutas na walang permit

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang anim na Singaporean national makaraang makumpiskahan ng nasa 96 kilo ng grapes at passion fruit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City Lunes ng gabi.

Bukod pa rito, nakakumpiska rin ang BOC ng 65.5 kilo ng pagkain na may sangkap na karne tulad ng siomai, siopao at rice topping.

Ayon kay Nilo Crystal, quarantine veterinary inspector sa NAIA, dumating ang anim na Singaporean national sakay ng private plane para maglaro lamang umano sa casino sa Pasay.

Wala umanong maipakitang import permit ang mga dayuhan sa dala nilang kahon-kahon na mga prutas at pagkain na inilagay sa styropon dahilan para kumpiskahin ang mga ito ng mga tauhan ng BOC.

Agad na itinurn-over ng mga awtoridad sa Bureau of Animal Industry ang mga naturang produkto upang suriin habang ang anim na dayuhan ay patuloy pa ring iniimbestigahan sa pagdadala ng mga nasabing prutas at pagkain na nagmula pa sa Singapore at pansamantalang hindi muna binanggit ang mga pangalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?