43
arrested
Oct 17, 2017 @ 14:50

6 sa Loan Shark Syndicate, arestado sa pagdukot ng 3 banyaga

Arestado ang anim na galamay ng Loan Shark Syndicate matapos ang ginawang pagdukot sa tatlong banyaga.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ernesto Agsulid Marella, 55-anyos, may-ari ng safehouse na matatagpuan sa isang subdivision sa Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan; Alexander Roxas Dionisio, alyas JR, 30; Jomar Ramos dela Peña, alyas Jao, 29; Raymond dela Peña, alyas Edmond, at Ferdie Adriano Dionisio, 32, pawang mga taga-Balanga, Bataan.

Pang-anim sa nadakip si Florida Adriano Dionisio, 34, residente ng Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan.

Ayon kay Anti-Kidnapping Group (AKG) chief, Sr. Supt. Glenn Dumlao, naaresto ang anim makaraang makipag-ugnayan ang Korean Embassy sa PNP AKG at humingi ng tulong para mailigtas ang biktimang Korean na si Yeum Sunki na dinukot ng sindikato noong Oktubre 16, 2017.

Ngunit nang ikasa ng PNP AKG ang rescue operation sa isang safehouse sa Sta. Cruz, Guiguinto, laking gulat nila nang makita ang dalawa pang bihag na banyaga na sina Liu Xia, Chinese, na dinukot noon pang Setyembre 15, 2017 at Park Panhao, Korean, na dinukot naman noong Oktubre 12.

Sinabi ni Dumlao na modus operandi ng grupo na pautangin ang mga nagkaka-casino ngunit kapag hindi na makapagbayad ng utang na aabot sa halagang P600K ay dudukutin ang mga ito at hihingan ng ransom ang kanilang pamilya. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?