183

Dec 29, 2017 @ 8:48
By

6 road sections, 6 tulay winasak ni Vinta sa Mindanao

Anim na road section at anim na tulay ang hindi pa madaanan sa Regions 9, 10 at CARAGA dahil sa epekto ng Bagyong Vinta.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa Region 9, sarado sa mga motorista ang Salug Dacu Bridge sa Mahayag-Dumingag-Siayam-Sindangan Roas sa Zamboanga del Sur dahil sa pinsala sa approach ng tulay.

Sa Region 10, partikular na sa Gingoog City, hindi naman madaanan ang spillway sa Brgy Malibud hanggang Brgy Kamanikan dahil sa pinsalang inabot nito.

Sa Lanao del Norte, totally damaged din ang Pagayawan-Dimarao Bridge, Babalayan Townsite Hanging Bridge at Esperanza-Babalaya Hanging Bridge.

Nawasak naman dahil sa flash flood ang Dalama Bridge sa Bacolod-Madalum Highway; at ang Daligdigan Bridge sa Salvador-Sapad-Nunungan Road, pati na ang road section na nasa kilometer 1615 + 000 – K1615 + 150. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?