8

Mar 4, 2021 @ 18:39
By

6 rebelde surrender sa PNP sa Maguindanao

Anim na umano’y miyembro ng isang pribadong armadong grupo sa Maguindanao ang sumuko sa tropa ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes.

Kinilala ni PNP Chief Debold Sinas ang mga sumuko na sina Bobby Pananggalan, Ket Guiaman, Amirudin Talitay, Norodin Andikat, Panoy Cantero at Tol Amilon.

Ayon sa ulat ng ahensya, sumuko ang mga rebelde kay PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Samuel Rodriguez sa Parang ng naturang probinsya.

“This is part of our full-blast drive against elements that disturb the peace and order situation in Maguindanao, specifically partisan armed groups and loose firearms,” wika ni Sinas.

Isinuko rin ng anim ang isang M14 rifle, homemade M79 na granada, shotgun, at sniper rifle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?