108

Oct 29, 2017 @ 15:21

6 preso pumuga sa Laguna jail

Tumakas  ang anim na preso ng Laguna Provincial Jail sa bayan ng Sta. Cruz kahapon ng umaga.

Ayon kay Rommel Palacol, hepe ng Laguna Action Center, alas-10:41 nang tutukan ng kalibre .38 na baril ang jailguard na si Norberto Malabanan at agad itong binaril sa mukha.

Kasunod nito ay inagaw sa kanya ang kanyang M-16 rifle.

Nang makalabas sa jail compound inagaw naman ng anim na preso ang isang Toyota Revo (WGM 193), na inabandona sa bayan ng Los Banos matapos makabanggang isang sasakyan.

Kinilala ni Palacol ang mga tumakas na sina Rhandel Vale, ng Famy, Laguna at may kasong murder; Rio Mahilom, Camarin, Caloocan City at may kasong illegal possession of firearms; Rayman Raymundo, ng Binan, Laguna at may kasong murder; Teddy Bucal, ng San Pablo City; Romel Macaraig, ng San Pablo City at may kasong carnapping at Verjust Dizon, ng Pagsanjan, Laguna at may kasong drug possession.

Sinabi pa ni Palacol na nagpapatuloy ang manhunt operation sa anim na pugante, samantalang ang sugatan jailguard ay inoobserbahan sa Laguna Medical Center. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?