1,354

Apr 5, 2020 @ 21:53
By

6 positibo sa COVID-19 sa Zambales; 3 sa Olongapo

OLONGAPO CITY – Kinumpirma ng Provincial Health Office ang pang-anim na kaso na kumpirmadong positibo sa Covid-19 sa buong lalawigan ng Zambales.

Ang pasyente ay nasa 35-anyos na nurse, Filipina at residente sa bayan ng Castillejos Zambales at nakatalaga sa Intensive Care Unit (ICU) ng Allied Medical Center -Baypoint sa loob ng Subic Bay Freeport Zone.

Mula ika-27ng Marso ay namalagi na ito sa ospital at hindi na nakauwi ng kanyang tahanan kaya hindi naitala sa kanyang bayan bilang “patient under investigaton” (PUI).

Ayon sa report siya ay nakararanas ng ubo, sipon at pabalik-balik na lagnat.

Ang pasyete ay naka-admit ngayon sa isolation ward sa pinagtatrabahuhang ospital mula noong ika-1 ng Abril at nagawan ng COVID-19 test noong ika-2 ng Abril at ngayon ay nasa mabuting kalagayan.

Sa kabuuan, umabot na sa 13,647 ang nasa ilalim ng (PUM’s) at 277 naman ang (PUI’s) at isa ang napaulat na namatay sa lalawigan ng Zambales.

Samantala, pumalo na sa tatlo ang kumpirmadong bilang ng kaso na nagpositibo sa coronavirus sa lungsod ng Olongapo, 113 ang nasa talaan ng (PUI’s) at 346 naman ang nasa ilalim ng (PUM’s).

Ito ay matapos ipahayag ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr. ang pinakabagong talaan mula sa City Health Office ng lungsod kanina.

“Mag-ingat po tayong lahat at sundin ang Home Quarantine at Social Distancing Measures, ani Paulino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?