578

May 29, 2019 @ 10:29
By

6 Pisay student na sangkot sa photo scandal, ‘di makaka-graduate

Ngayong Miyerkoles ang graduation ng Philippine Science High School, at anim na estudyante ang hindi makakasama sa graduation rites dahil sa nangyaring pagpapakalat ng mga nude photo.

Ayon sa report ng ABS-CBN, kinupirma ni Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña na hindi mamartsa ang anim na estudyante kahit pa matatandaang napabalita na pinayagan ang mga ito ng school’s Board of Trustees.

Ngunit tatlo dito ay makakakuha pa rin ng diploma, samantalang ang tatlo pa ay ang tanging makukuha lang ay certificate of completion.

Bunga ang hindi pag-martsa ng anim dahil sa protesta ng mga estudyante at guro para hindi makasama sa graduation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?