7

Mar 2, 2021 @ 12:28
By

6 Pinoy sapul ng South Africa Covid variant; UK variant case sumipa na sa 87

Naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Martes ang anim na kaso ng South Africa COVID-19 variant sa bansa.

“The DOH, the UP-Philippine Genome Center (UP-PGC), and the UP-National Institutes of Health report the detection of six B.1.351 variant (South Africa variant) cases, 30 additional B.1.1.7 variant (UK variant) cases, and two additional cases with mutations of interest among the 8th batch of 350 samples sequenced by the UP-PGC,” saad ng ahensya sa kanilang ulat.

Tatlo sa anim na nagpositibo ay lokal, dalawa ay returning overseas Filipino (ROF) habang tinutukoy naman ang isa pang kaso.

Ayon sa ulat ng GMA News, residente ng Pasay City ang tatlong nagpositbo sa naturang variant: isang 61-anyos na babae, 39-anyos at 40-anyos na lalaki.

Nagmula naman sa bansang United Arab Emirates at Qatar ang dalawang ROF.

Samantala, sumirit na sa 87 ang nagpositibo sa United Kingdom COVID-19 variant sa bansa matapos maitala ng DOH ang 30 bagong kaso.

Ayon sa ulat, 20 rito ang ROF, tatlo ang lokal, samantalang tinutukoy pa ang pitong kaso.

Nagmula umano sa Middle East, Singapore at United States ang mga ROF.

Kaugnay nito, hinimok ng ahensya ang publiko na patuloy na sundin ang mga ipinatutupad na mga health protocol kahit pa nagsimula na ang pamimigay ng Sinovac vaccine nitong Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?