27

Jun 8, 2020 @ 20:18
By

6 Pinoy pumanaw sa COVID-19 sa Spain

Binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease ang anim na Pilipino sa Spain.

Ayon kay Philippine Embassy in Madrid Consul General Adrian Elmer Cruz, mayroong 82 na Pilipino na hinihinala o kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa nabanggit na bansa.

Kabilang dito ang 32 na nakarekober at anim na nasawi.

Sa ngayon ay may mahigit nang 241,000 na kaso ng virus sa Spain, na pang-anim sa mga bansang may pinakamataas na bilang ng COVID-19 positive.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?