48

Mar 7, 2020 @ 17:47
By

6 Pinoy nagpositibo sa coronavirus sa California cruise ship

Tinitignan na ng World Health Organization ang mga report na anim na Pinoy sa Grand Princess cruise ship ang nagpositibo sa coronavirus.

Ayon kay WHO Representative sa Pilipinas na si Dr. Rabindra Abeyasinghe, nasa 46 katao ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa naturang bilang 21 ay crew member, at anim umano sa 46 ay mga Pinoy.

“I understand there are six Filipinos, these are unconfirmed reports, among the positive, six of them are Filipino crew members,” ayon sa WHO Representative.

Nasa 518 Pinoy ang miyembro ng crew sa Grand Princess na nakadaong ngayon sa California.

3,533 naman ang kabuuang bilang ng sakay nito, 2,422 ang guest habang ang natitira ay crew member.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?