22

Aug 16, 2020 @ 12:28
By

6 PhilHealth regional VP nag-leave

Nag-leave ang anim na regional vice president ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna ng imbestigasyon ng alegasyon ng mawalakang korapsiyon sa ahensiya.

Ang mga nag-leave ay sina PhilHealth regional vice presidents Paolo Johann Perez (Mimaropa), Valerie Anne Hollero (Western Visayas), Datu Masiding Alonto Jr. (Northern Mindanao), Khaliquzzman Macabato (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao), Dennis Adre at William Chavez.

Sa liham kay PhilHealth executive vice president at COO Arnel de Jesus, sinabi ng mga opisyal na nagdesisyong ibakante ang kanilang mga posisyon matapos manawagan si Justice Secretary Menardo Gueverra sa lahat ng mga opisyal na pinangalanan sa iregularidad sa ahensiya na bumaba muna sa puwesto para bigyang-daan ang imbestigasyon sa kontrobersiya.

Sabi ng mga opisyal, epektibo ang kanilang pag-leave sa Agosto 17, Lunes.

“The ongoing Senate and House of Representatives investigations into (the) graft and corruption (in) PhilHealth demand full cooperation from all its officers and staff. This is necessary to help determine and assign culpability in the most expeditious manner,” pahayag ng mga opisyal sa kanilang liham na ipinadala kay De Jesus noong Agosto 15.

“This will give the investigation a free hand in finding out those responsible and finally bring them to account,” dagdag pa ng mga ito.

Nagtalaga na rin umano sila ng Officer-in-Charge (OIC) para matiyak na patuloy pa rin ang serbisyo ng ahensiya sa kanilang mga rehiyon.

‘We, the Regional Vice Presidents, have also designated an Officer in Charge in our respective regions so as not to disrupt the duly operations of the regional office and further ensure the timely delivery of public service,” ayon sa mga opisyal.

Pinadala ng grupo ang liham kina Guevarra, Senate President Vicente Sotto III, the House at kay Malacañang spokesperson Harry Roque.

Ang anim na nasabing opisyal ay mga pinangalanan ni dating PhilHealth president at CEO Dr. Roy Ferrer bilang miyembro na diumano’y “mafia” sa ahensiya sa pagdinig sa Senado noong nagdaang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?