76

Dec 17, 2017 @ 16:35

6 patay sa pananalasa ni Urduja — NDRRMC

Anim katao ang pinaniniwalaang patay matapos na maiulat na nawawalasa kasagsagan ng bagyong Urduja.

Sa isang press conference, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naghihintay lang sila ng kumpirmasyon at detalye mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa anim na taong nawawala.

Samantala, sinabi ng NDRRMC na 87,719 people o 20, 342 families ang naapektuhan ni Urduja sa Bicol, Eastern Visayas at Caraga.

Umabot naman sa 19 ang nasugatan, karamihan ay dahil sa vehicular accidents, nabagsakan ng puno at pagguho ng lupa. Karamihan sa mga nasugtan ay mga resident ng Tacloban City.

Tinatayang P35 milyon imprastraktura na ang nawasak sa Eastern Samar.

Mula sa tropical storm, naging tropical depression lamang ngayon ang bagyong Urduja.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?