8
ABANTE tacloban city lanao del sur landslide 6 dead
By

6 patay sa landslide sa Tacloban, Lanao del Sur

Sharing is caring!

Anim katao ang naiulat na nasawi sa hiwalay na pagguho na lupa sa Tacloban City at bayan ng Pantar sa Lanao del Sur.

Ayon sa report, apat katao ang natabunan ang lupa malapit sa isang quarry site sa Barangay 43B, Rizal Avenue Extension noong sabado ng gbi bunsod na malakas ng pag-ulan.

Kabilang sa namatay ang isang opisyal ng barangay, kasama ang asaw at anak nito. Nasawi din ang isang barangay tanod sa insidente.

Samantala, namatay din ang dalawang matandang mag-asawa nang matabunan ang kanilang bahay ng gumuhong lupa sa Barangay Balo-i, bayan ng Pantar.

Ang insidente ay bunsod din ng patuloy na pag-ulan sa bayan na nagresulta sa matinding pagbaha doon. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?