20

Jan 6, 2021 @ 15:16
By

6 pang bansa isasama sa travel ban

Maliban sa 21 na bansang inilagay sa listahan ng travel ban matapos mapasok ng bagong variant ng COVID-19, anim pang bansa ang inirekomenda ng Department of Health na maisama rito.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang nasabing anim na bansa ay may kumpirmado nang kaso ng bagong COVID-19 variant na nagmula sa United Kingdom.

“Until January 15, 2021 we are restricting travel from countries with confirmed UK variant. Apart from the 21 countries that have already been announced, the Department of Health and the Department of Foreign Affairs have recommended the addition of 6 countries with official reports confirming the detection of this UK variant,” pahayag ni Vergeire sa isang virtual briefing nitong Miyerkoles.

Hindi pa tinukoy ng DOH ang anim na bansa na posibleng maisama sa listahan ng PH travel ban.

Sa kasalukuyan, ang mga dayuhang magmumula sa mga sumusunod na bansa ang pansamantalang hindi pinapapasok sa Pilipinas: United Kingdom, United States, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada at Spain.

Samantala, ang mga Pilipino na magmumula sa mga nabanggit na bansa ay dapat sumailalim sa 14 araw na quarantine kapag dumating sa Pilipinas kahit mayroon silang negatibong resulta ng coronavirus test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?