10

Feb 22, 2021 @ 9:15

6 pagyanig naitala sa Taal

Nakapagrehistro ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng anim na tremor episodes sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Tumagal anila ng mula isa hanggang apat na minuto ang bawat pagyanig.

Samantala, ang Taal ay mahinang nagbuga rin ng puting usok, batay pa sa 8 a.m. bulletin ng Phivolcs, Pebrero 22.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal dahil may tsansa pa rin itong sumabog, at maglabas ng abo at volcanic gas sa Taal Volcano Island.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?