9

May 5, 2021 @ 18:38
By

6 ospital pinayagang gumamit ng Ivermectin

Isa pang ospital ang nabigyan ng compassionate use permit upang makagamit ng Ivermectin sa mga pasyenteng may COVID-19.

Dahil dito, ayon sa Food and Drug Administration (FDA), anim na ospital na sa bansa ang maaaring gumamit ng nabanggit na anti-parasitic drug.

Tumanggi si FDA Director General Eric Domingo na pangalanan ang mga ospital para sa privacy ng mga pasyenteng ginagamot doon.

“Six hospitals na yata ang may CSP for ivermectin. They are private hospitals and not only in Metro Manila. Some are in the provinces din. The hospitals can freely identify themselves. We’re not stopping them,” ani Domingo sa Kapihan sa Manila Bay forum ngayong Miyerkoles.

“That means the doctors in the hospitals can prescribe it [Ivermectin],” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?