64

Apr 27, 2020 @ 17:53
By

6 ospital na tinanggihan ang bagong panganak na ginang, pananagutin

Pananagutin ng Department of Justice (DOJ) ang mga ospital na tumangging ma-admit ang isang bagong panganak na ginang dahilan upang ito ay bawian ng buhay.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa Laging Handa media briefing nitong Monday, ang pagtanggi ng mga ospital na isa dito ay sinasabing humihingi muna ng downpayment ay malinaw na paglabag sa Republic Act 10932 or Anti-Hospital Deposit Law.

“Sa batas nakasulat na ang mga talagang hindi tumanggap ay presumed na talagang hindi tumanggap dahil hindi makabayad ng deposito. Ang parusa diyan ay kulong. Ikululong natin lahat ng mga doktor, mga may-ari ng ospital na naging dahilan kaya namatay itong pasyenteng ito,” giit ng Presidential spokesman.

Sa lumabas na ulat, si Katherine Bulatao, 26-anyos na nanganak sa kanilang tahanan sa Quezon City, ay dinala sa ospital dahil sa patuloy na pagdurugo subalit dahil sa pagtanggi ng mga pinagdalhang ospital at namatay ito matapos na maubusan ng dugo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?