77

Feb 29, 2020 @ 18:33
By

6-oras nagtago sa kisame ng mall: ‘Gagamboy’ huli sa CCTV

Arestado ang isang lalaki na nakunan sa CCTV na lumabas sa pinagtataguang kisame ng mall nang wala nang mga tao.

Sabi sa Twitter post ni Mayor Isko Moreno, P900,000 ang nanakaw ng nasabing “gagamboy”.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa Manila Police District matapos madakip ang lalaki at marekober ang ninakaw niyang pera at iba pang gamit.

“Mga talipandas talaga kayo. Huli ka GAGAMBOY. anim na oras nagtago sa kisame ng mall, lumabas sa lunggaan habang wala nang tao para magnakaw. P900,000 agad natodas. iba ka talaga. Thank you MPD and Gen Balba for arresting this man and recovering the stolen cash and other items,” saad ni Moreno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?