73

By

6-oras na sunog sa SM Megamall dahil sa faulty wiring

Sharing is caring!

Idineklarang fire out bandang 1:30 kahapon ng madaling araw ang sunog na sumiklab sa isang itinatayong gusali ng SM Megamall sa Building B sa Mandaluyong City.

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula bandang 7:12 Huwebes ng gabi sa loob ng construction site ng SM Megamall.

Wala namang naitalang nasugatan o anumang casualties sa naganap na sunog at nang makapasok sa loob ng main mall ang makapal na usok at pinalabas ang mga mamimili ng mall para sa kanilang seguridad.

Ayon kay CInsp. Villena, lumalabas na nagsimula ang sunog sa faulty electrical wiring na umabot sa 3rd alarm hanggang sa nag-fire under control bandang 11:25 at tuluyan nang naapula ang sunog bandang 1:30 kahapon ng madaling araw.

Dahil sa makapal na usok, pansamantalang isinara ang EDSA-Shaw northbound upang magbigay-daan sa mga truck ng bumbero at ambulansya.

Base sa statement naman ng pamunuan ng SM Megamall, ang sunog ay sa construction site sa labas ng mall.

Wala pang nailalabas na kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ng pagliliyab ang SM Megamall at nagpalabas na ng impormasyon sa publiko na bukas na ang naturang mall para sa mga mamimili. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?