101
pulis
Dec 11, 2017 @ 16:51
By

6 na ‘W’, gagamitin ng PNP sa anti-illegal drugs ops

Gagamit ang bagong pinuno ng PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG) na si Police Senior Supt. Albert Ignatius Ferro ng mga bagong taktika para sa war on drugs.

Sinabi ni Ferro na gagamit siya ng anim na ‘W’ sa muling pagsasagawa ng mga anti-illegal drugs operation.

Unang tatlong Ws aniya ay ang What When Well, ibig sabihin nito’y pag-aaralan nila ang naging magandang performance ng PNP sa pagsasagawa ng war on drugs nitong mga nakalipas na taon.

Kung kinakailangan aniyang gumamit ng body camera para mas maging epektibo ang kanilang kampanya ay gagawin nila ito.

Habang ang tatlo pang Ws ay What Went Wrong, kung saan aalamin aniya nila kung may mga police scalawags pang kasama sa war on drugs para mas mapaigting ang kampanya kontral iligal na droga.

“Actually I do subscribe sa 6Ws, What When Well, What Went Wrong so we have to examine, and come up with the good safeguard come up with a good reform or come up with the good inventory ng ating mga magagandang practices and tactics,” sabi ni Ferro.

Sa huli iginiit ni Ferro na isang professional unit ang PNP-DEG na sumusunod lamang sa batas.

Kung mayroon man aniyang pagkakamali sa mga nakalipas na mga taon sa war on drugs ay hindi nila ito binabalewala at ginagawan nilang ng aksyon.

Nagpasalamat naman si Ferro sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng liderato ng PNP para muling pamunuan ng anti-drug campaign ng PNP.

Si Ferro ay dating pinuno ng binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?