201

Nov 9, 2017 @ 15:07
By

6 na sundalo patay, 4 sugatan sa bakbakan sa Basilan

Patay ang anim na sundalo habang apat ang sugatan sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Basilan.

Ito ang kinumpima ni Western Mindanao Command Spokesperson Captain Jo-ann Petinglay.

Nagsagawa aniya ng strike operation ang tropa ng 18th infantry Btatallion ng sa Brgy Upper Cabengbeng Sumisip Basilan kahapon ng tanghali.

Naging target ng operasyon ang grupo ng Abu Sayyaf sa ilalim ng pamumuno ni Siar Alhamsirol at Parong Tedi.

Nagsagawa rin ng close air support ang Philippine Air Force sa nangyaring sagupaan.

Tumagal ang sagupaan ng apat na oras na nagresulta sa pagkamatay ng anim na sundalo at pagkasugat ng apat pa.

Habang hindi pa matukoy ng militar kung ilan ang napatay sa panig ng mga kalaban.

Ang bangkay ng apat na sundalo ay dinala na sa Joint Task Force Basilan sa Zamboanga City habang ang dalawang bangkay ay iniwan sa kanyang pamilya sa Basilan.

Patuloy na ginagamot sa Camp Navarro General Hospital ang apat na sugatang sundalo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?