30

Dec 29, 2017 @ 10:30

6 na magsasaka dinukot ng BIFF sa Maguindanao

Tinangay ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang anim na magsasaka sa bayan ng Datu Hoffer subalit apat dito ang nakatakas.

Ayon kina Kannie, Mael at Ekvin Minggil, Kew at Kong Mintos, at Uzik Labina, papunta sila noon sa bukid sa Barangay Limpongo nang dukutin sila ng mga bandido.

Nagawang makatakas ni Labina at mag kapatid na Minggil mula sa kamay ng mga bandido matapos ang mahabang paglalakad.

Sabi ng militar, ang pagdukot sa mga magsasaka ay paghihiganti ng grupo matapos ang ginawang opensiba sa kanila noong Lunes sa Datu Unsay na ikinasawi ng ilang kasama ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?