156

Oct 24, 2017 @ 15:46

6 na kumpanya kinasuhan ng tax evasion

Anim na mga kumpanya ang ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng reklamong tax evasion sa Department of Justice.

Kasama sa mga inireklamo ng BIR ang mga opisyal ng Enviroking Corporation, Enzio Ferrera Collections International Inc; Ira General and Security Services; Lifeware Technology Inc; Filippi Nouvelle Inc; at VTM Quilts Collection, Inc.

Aabot sa P740.12 million ang hinahabol na buwis ng BIR mula sa mga respondent.

Ayon sa BIR, ang Enviroking na nasa industriya ng towing, hauling at transportasyon ng heavy equipment at naka- base sa Quezon City ay mayruong P642.75 million na pagkakautang umano sa buwis.

Ang Enzio Ferrera na isang bag manufacturer ay mayruon umanong tax liability na P8.2 million, habang ang restaurant owner na si Filippi Nouvelle ay may P8.5 million na hindi umano nabayarang buwis.

Inaakusahan naman ng BIR ang Ira General ng kabiguang makapagbayad ng P44 million na buwis para sa taong 2008, habang ang software solutions company na Lifeware’s ay inireklamo naman dahil umano tax liability na P11.2 million para sa taong 2012.

Nasa P25.3 million naman ang utang sa buwis na hinahabol ng BIR mula sa VTM Quilts para sa taong 2010.

Iginiit ng BIR na naisyuhan nila ng notices ang nasabing mga kumpanya pero bigo silang kwestiyunin ang ipinalabas na tax assessment ng BIR at hindi rin sila nagsumite ng karagdagang mga dokumento para igiit na wala silang pagkakautang. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?