43

Jul 5, 2022 @ 16:43
By

6 na empleyado ng Gapan LGU positibo sa ilegal na droga

Nabuking sa isang random drug test na anim sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Gapan City, Nueva Ecija ang positibo sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa ulat, 710 empleyado at opisyal ng Gapan ang sinorpresa sa isang random drug testing. Kahit ang alkalde ng lungsod na si Mayor Emary Joy Pascual ay hindi ligtas sa drug testing.

Nang lumabas na ang resulta, tatlo ang positibo sa paggamit ng marijuana habang tatlo ang positibo sa shabu.

Nasa 100 pang empleyado ng lungsod ang isasailalim sa drug testing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?