301
Abante-TnT-6-na-drug-pusher,-huli-sa-buy-bust-sa-QC
Oct 2, 2017 @ 19:16

6 na drug pusher, huli sa buy-bust sa QC

Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang babae at apat na lalaki na sinasabing tulak at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang sunud-sunod na buy bust operation sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD Director, Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang mga nadakip na suspek na sina Divine Grace Torres, 25; Maria Katrina Delgado, 29: Michael Geronimo, 42; Leonardo Toloza, 40; Arjay Padua, 29 at Anton Peralta, 30.

Ang mga sinasabing tulak at adik ay naaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City, sa isinagawang buy-bust operation dakong ala-2:00 hanggang alas-4:00 madaling araw bunsod na rin ng reklamo ng mga residente na nakikipagtulungan sa pulisya.

Ayon kay Eleazar, hindi sila titigil hangga’t hindi naaaresto ang lahat ng mga adik at tulak ng droga sa kanyang nasasakupan.

Aniya, araw-araw ay patuloy na nagsasagawa ng drug-bust operation ang kanyang mga tauhan at marami pa rin ang nadarakip, dahil hindi pa rin humihinto sa kanilang iligal na gawain ang mga drug pusher at drug user.

Nakumpiska sa anim ang tinatayang nasa 50,000 halaga ng droga at iba’t-ibang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakapiit ang mga nabanggit na tulak at adik sa QCPD detention cell habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A. 9165, (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). na isasampa laban sa kanila. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?