23

By

6 na bihag ng ASG, pinalaya sa ransom

Sharing is caring!

Pinakawalan na ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang kanilang anim na bihag sa Patikul, Sulu noong Sabado matapos makapagbayad ng ransom ang pamilya ng mga ito.

Kinilala ang mga pinalayang kidnap victims na sina Jessie Trinidad, 53; Marissa Trinidad, 54; Jimmy Trinidad, 21; Lucy Hapuli, 21; Marciano Hapuli, 14; at Nelson Hapuli, 7, kapwa mga taga-Kalimayan Village, Brgy. Latih Patikul, Sulu.

Ayon kay AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana alas-2:00 ng hapon nang palayain ang mga kidnap victims sa Sitio Buwahan- Buwahan Brgy Latih Patikul, Sulu.

Batay sa kuwento ng mga kidnap victims sa militar, alas-8:00 ng gabi noong November 14, 2017 habang nanonood ang sila ng telebisyon sa bahay ng mga Trinidad nang bigla pasukin ang kanilang bahay ng piotng kalalakihang armado na nakasuot ng military uniform at bonnet at sapilitan silang tinangay sa isang lugar sa Brgy. Anuling Patikul, Sulu.

Tinukoy rin ng mga biktima ang grupo ni ASG Sub leader Roger Samlahon ang dumukot at humingi ng ransom kapalit ng kanilang kalayaan.

Agad namang isinailalim sa medical check-up ang mga biktima na sina Jessie, Marissa at Jimmy. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?