Anim na bahay ang natupok sa magkahiwalay na sunog na sumiklab sa Caloocan at Quezon City.
Sa Caloocan, 3 pamilya ang nawalan ng tahanan nang masunog ang isang 3-door apartment unit sa Bayanihan St., Barangay 159, Baesa.
Nag-umpisa ang sunog pasado 11:00 Miyerkules ng gabi at umabot sa 1st alarm bago idineklarang fire-out 12:00 ng hating gabi.
Tinutukoy pa ang sanhi ng sunog na tinatayang nakapinsala ng P150,000 halaga ng ari-arian.
Samantala, tatlong bahay sa isang residential compound sa Scout Reyes St., Barangay Roxas District ang nasunog pasado 2:00 ng madaling araw ng Huwebes.
Ayon sa Quezon City Fire Department, posibleng jumper o iligal na koneksyon ng kuryente ang dahilan ng sunog.
Mabilis namang kumalat ang sunog dahil luma na ang mga bahay sa loob ng compound na pag-aari ng mga magkakamag-anak.
Umabot lamang ang sunog ng 1st alarm bago tuluyang naapula 3:02 Huwebes umaga.
Base sa inisyal na report, walang nasaktan sa magkahiwalay na sunog.