77

Dec 14, 2017 @ 9:47
By

6 na adik huli sa aktong bumabatak ng damo

Anim na drug addict ang nadakip ng Bulacan Provincial Public Safety Company (PPSC) makaraang mahuli sa akto habang humihitit ng pinatuyong dahon ng marijuana sa gilid ng kalsada sakop ng Industrial Road, Barangay Pantoc, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Ang mga nadakip ay kinilala ng pulisya na sina Jericho Pangilinan y Lising,18,binata; Jeffrey Tamayo Ocson, 20; Joseph Durao y Postrero,18;Stephen Estiban y Anis, 20; Marvin Palaña y Escala, 25 at Rodolfo Cristobal y Parangat, 19-anyos at pawang nakatira sa Barangay Pantoc, Meycauayan City

Bandang alas 9:20 ng gabi habang nagpapatrulya ang Bulacan PPSC nang isang concern citizen ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya hinggil sa ginagawang pot session ng anim na suspek sa gilid ng kalsada sakop ng Barangay Pantok ng naturang lungsod kaya kaagad itong pinuntahan ng awtoridad.

Dito na nahuli sa akto ng pulisya ang anim na suspek habang humihitit ng damo kaya kaagad silang dinakip at nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang bukas na medium size plastic sachet na pinaglagyan ng damo at iba pang paraphernalias bago dinala ang mga nadakip sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office para sa eksaminasyon. (Jun Borlongan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?